Lunes, Setyembre 26, 2016

Ang Jeepney Driver

By: Marco M. Abrahan

Magsisimula ako sa umpisa na magbabahagi ng buhay nila.
Ang buhay ng isang jeepney driver ay hindi madali, hindi biro, laging nagbabago, pasikotsikot sa daan, kadalasay hari ng kalsada, nakikipag karerahan, nakikipagagawan sa mga pasahero para kumita ng malaki, minsay matumal ang kita pero minsan din panalo ngunit nadedepende, tinitiis nila ang hirap, minsanay sira ang dyip, ito ay upang maiahon nila sa hirap ang kanilang pamilya, mapagaral ang kanilang anak, kahit madaming issue pinipilit parin nila ang hirap sa kalsada, kahit na kadalasay nagtataas ang presyo ng krudo, nagtataas ang singil ng pamasahe, hindi parin sila nagpapatalo. Ang ilang pasahero naman ay dapat unawain ang buhay ng isang tsuper. 


Dahil madami sa atin ay hindi inuunawa tulad nalang ng hindi pagbayad ng pamasahe na kung tawagin ay 123, may iilan ay sumasabit lang. Upang makaahon lang sa hirap nagbubuwis buhay sila sa kalsada lalo na sa maynila at sa kalsadang komonwelth avenue, kaya maraming naaaksidente sa kanila. Nakakalungkot isipin lalo na sa ganitong bagong issue na magkakaroon daw ng panukalang "Jeepney Phaseout" ito ay ikakawala ng hanap buhay ng mga tsuper pag nangyari man iyon. Dahil ito lang ang pinagkukunan ng ikabubuhay nila. Oo hindi man nila ito pinangarap ngunit pilit nila itong pinasok alang alang sa pamilya.

Tuwing umaga ay siguradong nagmamadali tayo na makasakay ng jeepney para di ma-late sa school o trabaho. Pero may ilang driver (di ko nilalahat) na pasaway at walang pakialam sa mga pasahero. Traffic na nga sa kalye dumadagdag pa si mamang driver sa pag-init ng ulo. Bakit kung kailan ka nagmamadali atska doon pa lamang sila mag-papakarga ng gasolina sa kanilang minamaneho? Kung minsan naman ang bilis ng andar ay mabilis lang ng konti sa mga “karo”. Hay naku anak ng pitong kuba talaga naman oo!  May mga driver din naman na sobrang takaw sa pasahero, isa o dalawang kulang na lang gusto pa yata lahat ng madadaanan ay isasakay nito kahit di naman siya pinapara ng mga ito. Kung minsan naman ay lahat na yata ng kanto ay hihinto ito at mag-aantay ng mga pasahero yong tumigil sila ng 3 minuto ay malaking kawalan na sa oras ng pasahero.
Alam naman natin na hanap-buhay nila ang pag-drive ng jeepney. Kaya lang sana naman ay may konsiderasyon din sila sa kanilang mga pasahero. Kung umaga asahan ng mga jeepney drivers na may hinahabol na oras ang kanilang pasahero.

May ikukuwento ako sa inyo.

Si Mang Piping Ay isang jeepney driver na lagi kong nakakasakay noon sa taft kalaw. Siya ay 62 yrs old na ngunit hindi parin siya tumitigil sa pamamasada upang mapagtapos lang niya ang dalawa niyang anak sa kolehiyo. Minsan talagay matumal ang kinikita niya pero hindi iyon ang naghahadlang sa kaniya. Ang bawat boundary niya ay hindi man kagandahan pero ayus lang, nagsisimula siyang mamasada mula alas kwatro ng umaga at gumagarahe naman siya ng alas sonse ng gabi.