Magsisimula ako sa umpisa na magbabahagi ng buhay nila.
Ang
buhay ng isang jeepney driver ay hindi madali, hindi biro, laging nagbabago,
pasikotsikot sa daan, kadalasay hari ng kalsada, nakikipag karerahan,
nakikipagagawan sa mga pasahero para kumita ng malaki, minsay matumal ang kita
pero minsan din panalo ngunit nadedepende, tinitiis nila ang hirap, minsanay
sira ang dyip, ito ay upang maiahon nila sa hirap ang kanilang pamilya,
mapagaral ang kanilang anak, kahit madaming issue pinipilit parin nila ang
hirap sa kalsada, kahit na kadalasay nagtataas ang presyo ng krudo, nagtataas
ang singil ng pamasahe, hindi parin sila nagpapatalo. Ang ilang pasahero naman
ay dapat unawain ang buhay ng isang tsuper.
Dahil madami sa atin ay
hindi inuunawa tulad nalang ng hindi pagbayad ng pamasahe na kung tawagin ay
123, may iilan ay sumasabit lang. Upang makaahon lang sa hirap nagbubuwis buhay
sila sa kalsada lalo na sa maynila at sa kalsadang komonwelth avenue, kaya maraming
naaaksidente sa kanila. Nakakalungkot isipin lalo na sa ganitong bagong issue
na magkakaroon daw ng panukalang "Jeepney Phaseout" ito ay ikakawala
ng hanap buhay ng mga tsuper pag nangyari man iyon. Dahil ito lang ang
pinagkukunan ng ikabubuhay nila. Oo hindi man nila ito pinangarap ngunit pilit
nila itong pinasok alang alang sa pamilya.
Tuwing umaga ay siguradong
nagmamadali tayo na makasakay ng jeepney para
di ma-late sa school o
trabaho. Pero may ilang driver (di
ko nilalahat) na pasaway at walang pakialam sa mga pasahero. Traffic na
nga sa kalye dumadagdag pa si mamang driver sa
pag-init ng ulo. Bakit kung kailan ka nagmamadali atska doon pa lamang sila
mag-papakarga ng gasolina sa kanilang minamaneho? Kung minsan naman ang bilis
ng andar ay mabilis lang ng konti sa mga “karo”. Hay naku anak ng pitong
kuba talaga naman oo! May mga driver din
naman na sobrang takaw sa pasahero, isa o dalawang kulang na lang gusto pa
yata lahat ng madadaanan ay isasakay nito kahit di naman siya pinapara ng mga
ito. Kung minsan naman ay lahat na yata ng kanto ay hihinto ito at mag-aantay
ng mga pasahero yong tumigil sila ng 3 minuto ay malaking kawalan na sa oras ng
pasahero.
Alam naman natin na hanap-buhay
nila ang pag-drive ng jeepney. Kaya
lang sana naman ay may konsiderasyon din sila sa kanilang mga pasahero. Kung
umaga asahan ng mga jeepney drivers na may
hinahabol na oras ang kanilang pasahero.
May ikukuwento ako sa inyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento